Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2016

Pagdadalaw-Agosto 6, 2016)

Imahe
Masaya!, Masigla!,,Exciting! at Adventure! ang naging Pagdadalaw sa mga Kapatid ng Lokal ng Buhaynasapa, Isang maliit na lokal sa bayan ng San Juan, lalawigan  ng Batangas, noong nakarang Sabado, Agosto 6, 2016. Mula ika-5:30 ng umaga  pagkatapos manalangin sa kapilya ay tumulak ang aming grupo sa pangunguna ng bagong nakadestinong manggagawa na si Kapatid na Carl Aaron Maranan kasama ng ilang may tungkulin.  Sakay kami ng isang jeep at ilang motorsiklo ng mga kapatid ay tinungo namin ang mga kapatid na nakatira sa malalayo, sa may gawi ng kabundukan. Ang mga sasakayan ay iniwan na lang namin sa paanan ng kabtundukan, lubhang delikado at mahirap ang mga binagtas naming mga daan, Madulas at matatarik na bangin ang aming dinaanan. Masaya kami kapag natatagpuan ang mga kapatid na payapa sa kanilang kalagayan. Matapos alamin ang kanilang kalagayan ay nagpapasalamat  kami sa Diyos sa isang panalangin. Pagkatapos ng panalangin ay nagpaalam na kami para puntahan naman ang i