Pagdadalaw-Agosto 6, 2016)

Masaya!, Masigla!,,Exciting! at Adventure! ang naging Pagdadalaw sa mga Kapatid ng Lokal ng Buhaynasapa, Isang maliit na lokal sa bayan ng San Juan, lalawigan  ng Batangas, noong nakarang Sabado, Agosto 6, 2016. Mula ika-5:30 ng umaga  pagkatapos manalangin sa kapilya ay tumulak ang aming grupo sa pangunguna ng bagong nakadestinong manggagawa na si Kapatid na Carl Aaron Maranan kasama ng ilang may tungkulin.
 Sakay kami ng isang jeep at ilang motorsiklo ng mga kapatid ay tinungo namin ang mga kapatid na nakatira sa malalayo, sa may gawi ng kabundukan. Ang mga sasakayan ay iniwan na lang namin sa paanan ng kabtundukan, lubhang delikado at mahirap ang mga binagtas naming mga daan, Madulas at matatarik na bangin ang aming dinaanan.

Masaya kami kapag natatagpuan ang mga kapatid na payapa sa kanilang kalagayan. Matapos alamin ang kanilang kalagayan ay nagpapasalamat 
kami sa Diyos sa isang panalangin.

Pagkatapos ng panalangin ay nagpaalam na kami para puntahan naman ang iba pang mga kapatid. 

Hindi nag-aksaya ng pagkakataon sa magagandang tagpo
pose muna!

Napakatarik ng ilog ang binabagtas namin, 
madulas at delikado


Kailangang maging maingat sa bawat hakbang

May mga dalang baon laban sa init at uhaw



Saglit lang ang pahinga


                                      At nagparuloy muli sa aning  paglalakbay







 Isang bundok pa ang aming pinuntahan at isang kapatid na  halos may edad na muli ang aming dinalaw. Dinatnan naming payapa ito sa kanyang kalagayan.


Si  kapatid na Avelina Delas Alas

Aba! si ka Jovy Anne ito! taga rito din pala! Biglang sumulpot sasama sa pagdadalaw. 

Sumunod na dinalaw namin ang sambahayan ni Kapatid na Arnel Luansing.
Mga 2 kilometro mula sa bahay ni Nanay Avelina.



Nagpatuloy na muli kami sa aming pagdadalaw. 

Ss gitna ng kabundukan ng aming mga  pagdadalaw may na encounter pa kaming mga di inaasahan

bayawak
Expert si ka Darren sa paghuli, May ulam na kami! 

Ka Jomar baka makagat ka!




Sa bahay ni kapatid na Pasing




Ilang saglit lang nagpaalam na muli kami, para magpatuloy sa aming pagdadalaw.




Ahon at lusong ang makikipot at matarik na kalsada.
Sa pagkakataong ito, ay di makaahon ang aming sasakyan, Mabilis kaming nakatalon sa likod ng sasakyan upang humanap ng pang kalso sa gulong para hindi umatras ang sasakyan. samantala ang mga babae ay nanatiling nakasakay sa loob.
Bi;is tayo! Bato!
At itinulak namin ang sasakyan.
Salamat sa Diyos!
Ang haba ng pinagtulakan at ang tarik, pero parang balewala ahh.. Kasama natin ang Diyos!

Teka  Brod! Anong sinisilip mo?  Parang nalupi yata!
Joke lang Ka Cording! He!He! He!
Ang saya, saya!
Maahh!
At nagpatuloy kami sa aming paglalakbay palabas ng kabundukan.
Mga 5 kilometro pa..


Medyo matarik na ang sikat ng araw ng sapitin namin ang huling bahay na aming dadalawin.



 Ang bahay  ni Kapatid na Manny at Arlene, sa Brgy Calubcub.

 May mga tanim  na pinya ito at agad na pumitas ng ilang bunga at  pinatikim kami ng napakatamis na bunga ng kanyang tanim na pinya.
Hawaian pineapple
Ay Sarap! Sulit ang pagod,,

Isang shot naman dito!

                                             Ay gusto ko ito! pantanim!                            

Paano ga magandang pose?

Pagkatapos ng panalangin ay nagpaalam na kami.

At dito natapos ang aming pagdadalaw, Hanggang sa susunod na Sabado, Abangan N.yo!
MABUHAY ANG LOKAL NG BUHAYNASAPA!

End...

Mar Saligao /EAGLE NEWS


Mga Komento

Mag-post ng isang Komento